Wednesday, March 3, 2010

Pulitiko ka ba?

Sa mahigit tatlong lingo kong pagsusulat ng blogs, napakaraming usapin ang pumupukaw sa aking interes. Sa dami nga nito mas madali pa ang mabura sila sa aking isipan kesa ang maisulat ko sila at mai-publish sa blogsite ko. Napakaraming paksa ang nais ko sanang talakayin kaya lang nababawasan ang aking katamaran na ayoko siyempreng mangyari. Isa sa mga pumukaw sa aking atensiyon ay ang usaping pulitikal. Alam kong mahirap talakayin ang paksang ito subalit nais kong kahit papaano ay may maiambag na ako sa usaping ito. Makatulong man o hindi... Eh di Mabuti!

Ngayong nalalapit na naman ang halalan, kanya kanyang gimik ang mga pulitiko. Kanya kanyang pagpapapogi at pagpapaganda. Minsan nga kahit korni na sa tingin ng iba ipinipilit parin ang mga sarili mapalapit lang at mailista ng mga botante. “Lahat gagawin ko para sayo”, ito ang tema ng mga Pulitiko. “Kayo ang Master ko at ako ay inyong utusan lamang” ang sabi naman ng iba. “Aalisin ko ang inyong paghihirap” isinisigaw ng isa pa. Anot-ano pa man, may kanya kanyang estratihiya ang bawat pulitiko kung pano makukuha ang puso ng mga botante. Eh, Kung ako kaya ay isang pulitiko at nagaasam na maluklok ng taong bayan ano kaya ang estratihiya ko:

Kung ako ay isang pulitiko ganito ang gagawin ko;

  1. Magiinvest ako ng napakalaking halaga sa pangangampanya, gagawa ako ng maraming commercials na ipalalabas during primetime shows. Sigurado namang mababawi ko ang lahat ng magagastos ko dahil siguradong ako ang mananalo sa mga puso nyo.

  2. Maghahakot ako ng sangkatutak na kaibigan. Lahat kakaibiganin ko. Magiinvite ako ng mga social gatherings. Kasi parang facebook lang naman yan eh, “Social Networking” the more you have friends mas pogi ka.

  3. Mangangako ako ng mangangako, kahit imposible kong magawa. Dadaanin ko sa tamis ng aking dila, galling sa public speaking. Alam ko mabobola ko din kayo.

  4. Gagamitin ko ang mga kabataan sa pagpapapogi. Gagawa ako ng magagandang commercials kasama sila at hindi lang yun, mag-rarap din ako sa harap ng camera. Para ipakita kung gano ako katalentado.

  5. Pagdating ng botohan paliliparin ko ang sangkatutak na “Flying Voters”. Babatuhin ko ng putik ang mga kumakalaban sa akin. Pag pumalag… BANG!

  6. Oo nga pala isa akong sikat na “Artista”, kaya kung may kailangan kayo sa akin abangan nyo nalang ako sa mga mall shows ko. Catch me up live! These are my schedules.

  7. Walang special sakin, walang balwarte, di ako naniniwala dun. Pero naniniwala ako sa kumpare. Kukuhanin ko ang mga kumpare kong miyembro ng gabinete. Lahat ng tumulong sa kandidatura ko may pwesto sa gabinete ko. Kasi naniniwala ako sa kasabihang “Payback Time”.

  8. Kukuha ako ng sangkatutak na advisor ko. Kelangan ko ng makakasama sa Nightlife ko. Sapagkat malungkot uminom ng mga mamahaling alak ng mag-isa.

Hayz… Mabuti na lamang at hindi ako isang pulitiko, na imbes mangarap para sa bayan, nangangarap ng pagpapayaman. Imbes na unahin ang interes ng mamamayan, inuuna ang interes ng mga salaping nagastos sa halalan.


Ganity
Eh ikaw PULITIKO ka ba? Ganito ka ba?

No comments:

Post a Comment