Thursday, February 25, 2010

Sundan Natin ang mga Bakas ni Jose Rizal... sa twitter

Ito ang unang kabanata sa aking personal Blog. Mas ginusto kong magsulat sa tagalog upang mas maraming Pilipino, bata man o matanda ang makarelate sa anumang impormasyong aking ilalathala. Marami rami na rin naman akong nagkalat na Blogs dyan sa tabi-tabi. Madadaanan nyo, matitisod nyo, kaaawaan, kapupulutan ng aral... ngunit malamang mas marami ang magsabing... "Hayz... Is this a Blag?"
Sa anut-ano pa man, aking inumpisahan ang blog na to para sa sarili ko... Kaya wag nyo akong pakialaman...

Mula pagkabata kilalang kilala na nating mga Pilipino kung sino ba si Jose Rizal. Madalas natin siyang makita sa kung saan saan...

Una siyang ipinakilala sa aking ng mga magulang ko sa paraang ito... Makikita natin siya sa 2 pisong papel na extinct na ngayon tulad ng mga Mammoth. Hindi bat magandaang una naming pagkikita? Dahil dito inspired na inspired akong makita siyang muli kaya nagtanong ako sa aking ina kung saan ko pa siya maaring makita. Hangang sa ng tumagal nakalimutan ko na siya.

Tapos nung medyo nagkaisip na ako (medyo palang kasi bata pa ako noon pero hindi rin ako sure kung meron na ngayon) namasyal kami sa may bandang Maynila, sa Luneta. Yun ang pangalawa naming pagkikita. Ibang iba sa una, mas matigas na siya ngayon, mas matatag. Tanda ng isang tunay na Pilipino (salamat kay Senor Enrique para sa larawan). Matagal tagal din ang sumunod kong engkwentro sa ating bayani. Limang taon ako ng una akong pumasok sa paaralan. Dun ko siya nakilala ng lubusan. Sa mahigit 10 taon kong pagaaral, ang kanyang mga aral, pagunawa at iba pang mga gawaing pagkamakabayan na naging dahilan kung bakit siya tinawag na bayani ay paulit-ulit na pumasok sa aking isipan. Bihira para sa isang tao ang kilalanin hindi lamang dahil sa kanyang mga naiambag sa bansa kundi pati na rin sa larangan ng sining, medisina, musika at higit sa lahat pambababae. Pagkatapos ng matagal naming pagsasama, nalaman ko nalang na noong Disyembre 3o taong 1896, tinamaan pala siya ng ligaw na bala at napatay.Tinawag siyang Martir ng Rebolusyunaryong Pilipino dahil sa pangyayaring ito. Sapagkat tanging siya lamang ang tinamaan ng ligaw na bala. Ligaw nga ba talaga o sadyang ipinukol sa kanya? Iniimbestigahan padin ang pangyayaring ito hangang sa ngayon. Kung totoo nga ba o chismis lang.
Ngunit sadyang may BUMABAGABAG sa aking isipan, at ito'y ang mga katanungang:
  1. Bakit nga ba kailangang pagaralan natin ang talambuhay ng isang tao? Bayani man o hindi, may naiambag man o wala, may naitutulong ba talaga ito sa ating pagkatao? Pagkamakabayan? o Pagka Pilipino?
  2. Sa tingin nyo ba kung nabubuhay pa si Jose sa ngayon, tatakbo din kaya siya sa pagkapangulo? Manalo kaya siya?
  3. Sa kanya ba talaga ang account na ito sa Friendster at Facebook?
  4. Totoo ba ang chismis na babaero siya at hindi siya naliligo?
  5. at kung nauso na ng mga panahon niya ang internet, gumawa din kaya siya ng mga blogs imbes na mga libro?
Ito ay ilan lamang sa mga katanungang bumabagabag sa aking isipan. Nawa'y dumating ang araw na ako'y maliwanagan...
Maraming salamat sa iyong pagdaan kaibigan!