Thursday, March 25, 2010
Wednesday, March 3, 2010
Pulitiko ka ba?
Sa mahigit tatlong lingo kong pagsusulat ng blogs, napakaraming usapin ang pumupukaw sa aking interes. Sa dami nga nito mas madali pa ang mabura sila sa aking isipan kesa ang maisulat ko sila at mai-publish sa blogsite ko. Napakaraming paksa ang nais ko sanang talakayin kaya lang nababawasan ang aking katamaran na ayoko siyempreng mangyari. Isa sa mga pumukaw sa aking atensiyon ay ang usaping pulitikal. Alam kong mahirap talakayin ang paksang ito subalit nais kong kahit papaano ay may maiambag na ako sa usaping ito. Makatulong man o hindi... Eh di Mabuti!
Ngayong nalalapit na naman ang halalan, kanya kanyang gimik ang mga pulitiko. Kanya kanyang pagpapapogi at pagpapaganda. Minsan nga kahit korni na sa tingin ng iba ipinipilit parin ang mga sarili mapalapit lang at mailista ng mga botante. “Lahat gagawin ko para sayo”, ito ang tema ng mga Pulitiko. “Kayo ang Master ko at ako ay inyong utusan lamang” ang sabi naman ng iba. “Aalisin ko ang inyong paghihirap” isinisigaw ng isa pa. Anot-ano pa man, may kanya kanyang estratihiya ang bawat pulitiko kung pano makukuha ang puso ng mga botante. Eh, Kung ako kaya ay isang pulitiko at nagaasam na maluklok ng taong bayan ano kaya ang estratihiya ko:
Kung ako ay isang pulitiko ganito ang gagawin ko;
Eh ikaw PULITIKO ka ba? Ganito ka ba?

- Magiinvest ako ng napakalaking halaga sa pangangampanya, gagawa ako ng maraming commercials na ipalalabas during primetime shows. Sigurado namang mababawi ko ang lahat ng magagastos ko dahil siguradong ako ang mananalo sa mga puso nyo.
- Maghahakot ako ng sangkatutak na kaibigan. Lahat kakaibiganin ko. Magiinvite ako ng mga social gatherings. Kasi parang facebook lang naman yan eh, “Social Networking” the more you have friends mas pogi ka.
- Mangangako ako ng mangangako, kahit imposible kong magawa. Dadaanin ko sa tamis ng aking dila, galling sa public speaking. Alam ko mabobola ko din kayo.
- Gagamitin ko ang mga kabataan sa pagpapapogi. Gagawa ako ng magagandang commercials kasama sila at hindi lang yun, mag-rarap din ako sa harap ng camera. Para ipakita kung gano ako katalentado.
- Pagdating ng botohan paliliparin ko ang sangkatutak na “Flying Voters”. Babatuhin ko ng putik ang mga kumakalaban sa akin. Pag pumalag… BANG!
- Oo nga pala isa akong sikat na “Artista”, kaya kung may kailangan kayo sa akin abangan nyo nalang ako sa mga mall shows ko. Catch me up live! These are my schedules.
- Walang special sakin, walang balwarte, di ako naniniwala dun. Pero naniniwala ako sa kumpare. Kukuhanin ko ang mga kumpare kong miyembro ng gabinete. Lahat ng tumulong sa kandidatura ko may pwesto sa gabinete ko. Kasi naniniwala ako sa kasabihang “Payback Time”.
- Kukuha ako ng sangkatutak na advisor ko. Kelangan ko ng makakasama sa Nightlife ko. Sapagkat malungkot uminom ng mga mamahaling alak ng mag-isa.
Eh ikaw PULITIKO ka ba? Ganito ka ba?
Thursday, February 25, 2010
Sundan Natin ang mga Bakas ni Jose Rizal... sa twitter
Ito ang unang kabanata sa aking personal Blog. Mas ginusto kong magsulat sa tagalog upang mas maraming Pilipino, bata man o matanda ang makarelate sa anumang impormasyong aking ilalathala. Marami rami na rin naman akong nagkalat na Blogs dyan sa tabi-tabi. Madadaanan nyo, matitisod nyo, kaaawaan, kapupulutan ng aral... ngunit malamang mas marami ang magsabing... "Hayz... Is this a Blag?"
Sa anut-ano pa man, aking inumpisahan ang blog na to para sa sarili ko... Kaya wag nyo akong pakialaman...
Mula pagkabata kilalang kilala na nating mga Pilipino kung sino ba si Jose Rizal. Madalas natin siyang makita sa kung saan saan...
Una siyang ipinakilala sa aking ng mga magulang ko sa paraang ito... Makikita natin siya sa 2 pisong papel na extinct na ngayon tulad ng mga Mammoth. Hindi bat magandaang una naming pagkikita? Dahil dito inspired na inspired akong makita siyang muli kaya nagtanong ako sa aking ina kung saan ko pa siya maaring makita. Hangang sa ng tumagal nakalimutan ko na siya.
Tapos nung medyo nagkaisip na ako (medyo palang kasi bata pa ako noon pero hindi rin ako sure kung meron na ngayon) namasyal kami sa may bandang Maynila, sa Luneta. Yun ang pangalawa naming pagkikita. Ibang iba sa una, mas matigas na siya ngayon, mas matatag. Tanda ng isang tunay na Pilipino (salamat kay Senor Enrique para sa larawan). Matagal tagal din ang sumunod kong engkwentro sa ating bayani. Limang taon ako ng una akong pumasok sa paaralan. Dun ko siya nakilala ng lubusan. Sa mahigit 10 taon kong pagaaral, ang kanyang mga aral, pagunawa at iba pang mga gawaing pagkamakabayan na naging dahilan kung bakit siya tinawag na bayani ay paulit-ulit na pumasok sa aking isipan. Bihira para sa isang tao ang kilalanin hindi lamang dahil sa kanyang mga naiambag sa bansa kundi pati na rin sa larangan ng sining, medisina, musika at higit sa lahat pambababae. Pagkatapos ng matagal naming pagsasama, nalaman ko nalang na noong Disyembre 3o taong 1896, tinamaan pala siya ng ligaw na bala at napatay.Tinawag siyang Martir ng Rebolusyunaryong Pilipino dahil sa pangyayaring ito. Sapagkat tanging siya lamang ang tinamaan ng ligaw na bala. Ligaw nga ba talaga o sadyang ipinukol sa kanya? Iniimbestigahan padin ang pangyayaring ito hangang sa ngayon. Kung totoo nga ba o chismis lang.
Ngunit sadyang may BUMABAGABAG sa aking isipan, at ito'y ang mga katanungang:
Maraming salamat sa iyong pagdaan kaibigan!

- Bakit nga ba kailangang pagaralan natin ang talambuhay ng isang tao? Bayani man o hindi, may naiambag man o wala, may naitutulong ba talaga ito sa ating pagkatao? Pagkamakabayan? o Pagka Pilipino?
- Sa tingin nyo ba kung nabubuhay pa si Jose sa ngayon, tatakbo din kaya siya sa pagkapangulo? Manalo kaya siya?
- Sa kanya ba talaga ang account na ito sa Friendster at Facebook?
- Totoo ba ang chismis na babaero siya at hindi siya naliligo?
- at kung nauso na ng mga panahon niya ang internet, gumawa din kaya siya ng mga blogs imbes na mga libro?
Maraming salamat sa iyong pagdaan kaibigan!
Labels:
bagabag,
dalawang piso,
facebook,
friendster,
Jose Rizal,
luneta,
nakapagpapabagabag
Subscribe to:
Posts (Atom)